PLACE AN AD HERE

LightBlog

Ff? Ww? Hm? Ano daw?


Kung ang internet, may jargons... ganun din sa online selling & buying community. Ito yung mga acronyms na madadaanan mo sa mga posts or sa mga comment boxes. Bihira ang nakakaalam at bihira din ang nagtatanong kasi medyo dyahe magtanong about dito. Ang hirap din naman mag search online kasi di naman sya talaga nadi-discuss.

So kami na mismo ang mag educate sayo sa kung ano nga ba ang talagang ibig sabihin ng bawat isa.


Meaning ng FF: following

Ginagamit ang FF na term para mag follow sa post. Following a post means gusto mo makatanggap ng notification kung sakali mag recent activity sa mismong post (ex: new photo upload, new comments, etc). Yung ibang Facebook app, merong "Turn On Notifications" button. For others na walang ganun dahil Facebook Lite or naka Free Data lang sila, nagcocomment nalang sila ng ff sa post.

So bakit dalawang F instead na dalawang L? Wag mo na tanungin. May mga bagay talagang di natin na dapat malaman. Haha! Joke! Di lang din talaga namin alam bakit nga ba doble F yun.


Meaning ng LP: last price

Ito ang ginagamit para malaman kung ano ang last price na kaya ibigay ni seller. In short, tawaran. Bargain, bargain, bargain! Lalo na sa group namin na preloved or used items ang inebenta.


Meaning ng WW: when worn

Usually, when they use this term, they mean when worn ng isang tao, not a mannequin para mas makita ng interested buyer ano histura pag suot yung damit, hence the phrase when worn. Pero may ibang sellers, mannequin nalang ang ibinibigay just to give the buyer an idea how how it looks kung nakasuot. Kesa naman naka-hanger lang diba?


Meaning ng SF: shipping fee

Ito yung rate ng courier na ginagamit ni seller. Minsan, ito narin yung term na ginagamit para sabihin anong courier ang gamit ni seller para maipadala ang item.


Meaning ng MOP: mode of payment

Ito yung mga available or preferred payment options ni seller or buyer. Kung ano lang ang indicated ni seller na MOP nya, dun lang dapat magbayad ang buyer.

Example: Kung ang indicated lang ay Palawan at Cebuana, ibig sabihin, hindi sya makakatanggap ng payments through other remittance centers like LBC, Western Union or MLhuillier. Common reasons are: walang branch na malapit kay seller, hindi nya naaabutang bukas, wala syang account doon (for banks or virtual wallets),  etc.


Meaning ng HM: how much

Kalimitan ginagamit o kino-comment para tanungin kung magkano yung nakapost.


Meaning ng LF: looking for

Ginagamit ng buyers pag nagpopost ng mga bagay na hinahanap o gusto nila bilhin.


Meaning ng HF: handling fee

This is the additional fee sellers require for the meet-ups. Of course, namamasahe rin ang sellers kaya nagkaron kayo ng additional fee. Ang lumabas kasi, personal delivered ni seller ang item sayo.


Meaning ng COD: cash on delivery

May ibang couriers na nag-o-offer nito pero may additional service charge sya.

Yung ibang sellers, they use this term as part of their MOP (mode of payment) which only means na pwede sila for MEETUP. Kaya nga po cash-on-delivery. Kaliwaan kumbaga. Hindi po ibig sabihin idedeliver sa inyo mismo ng seller tapos saka nyo babayaran, well unless through the COD service ng isang courier.


Meaning ng RFS: reason for selling

As you all know, we do not allow brand new items in the group. Kaya dapat, kung magbebenta ka ng brand new (example: wrong size), dapat i-state ang RFS mo or reason for selling mo.


Meaning ng CB: comment box

Yung ibang sellers (which we highly recommend other members to do the same), ina-upload nila yung mga items nila sa mismong comment box. Kaya minsan, may makikita ka sa caption ng post "Prices and items will be posted in the CB". Comment box ang ibig lang nilang sabihin dun beshie.


Meaning ng GC: group chat

May sellers na gumagawa ng group chat para mamonitor nila easily yung mga katransact nila. Dun na sila nagpapadala ng payment or shipping updates. So pag sinabihan ka ni seller na "paki check nalang inbox for GC", ibig nya lang sabihin ay group chat.

Usually, nasa message requests or filtered inbox yung group chats.


Meaning ng BN: brand new

Sa group namin, since Preloved Clothes Manila ang name, bawal ang BN. Bawal ang brand new! Nuff said.


Meaning ng MM: metro manila

Ginagamit minsan talaga, nakakatamad kaya i-type ng buo yung Metro Manila. Aminin.


Meaning ng PROV: provincial

Gaya ng MM, minsan nakakatamad lang talaga buoin yung provincial na word.


Meaning ng PM: private message

Pag may nagsabi sayo na PM, ibig lang sabihin ng kausap mo, mag usap nalang kayo privately. Kung sa Facebook, sa Messenger. Kung sa Instagram, sa Direct Message or Inbox. Same goes for Twitter.


Meaning ng LOC: location

"Loc mo?" Kalimitang tanong regarding sa location ng seller para ma-assess kung pwede meetup or magkano aabutin ng shipping.


Meaning ng EUC, VGUC at GUC: conditions of items

Acronyms para madescribe yung condition ng item. Very important ito lalo na sa group namin na preloved items ang binebenta at binibili. Click this line to read more about it.


Meaning ng PTPA: permission to post admin

Yung iba PTP lang. Wala lang, way of pag hingi lang permiso na ma-approve ang post nila.

- - -

Sa ngayon, ito nalang muna. We will keep this post updated. Kung meron kang acronym na nadaanan online (na related sa online selling & buying), you may comment it below para macheck namin kung ano ibig sabihin at mailagay din dito sa list na ito.