Sa panahon ngayon, marami na ang nagbebenta online. Marami ang sellers kasi dumarami na din ang mga buyers. At sa pag dami ng dalawa, dumadami rin ang mga online scammers. Sad truth.
So paano mo nga ba malalaman kung legit ang isang online seller?
1. Check the profile.
Isa sa pinaka madaling paraan para malaman kung lehitimo ang isang seller, check mo Facebook profile nya. Hindi dapat dummy account since most of the scammers online use a dummy or fake account. Ito yung mga accounts na gumagamit ng ibang pangalan, ng ibang pictures at usually, recently created accounts.
Medyo mahihirapan ka naman ma-determine ang legitimacy ng seller selling behind a business page. Hindi porke 1k+ likes ang page, masasabi mo nang legit seller na. Unless of course, meron sila presented proof of transactions, business permits, etc.
Things to check in a seller's profile:
Is their name in Facebook same as their name for the payment? Pag magkaiba, you should ask why. Karapatan mong itanong sino tatanggap ng perang ibabayad mo. Kung naging matapang o bastos at ayaw i-explain sayo bakit magkaiba ang pangalan, mag alala ka na. Kalimitan ng mga ganyan, scammer.
What's their URL or profile link? Kung matagal na ginawa ang account, automatic na nilalagay ni Facebook ang name na ginamit sa pag register. For new accounts, profile + numbers lang ang lalabas sa URL. Kung iba ang name na nag a-appear sa URL, iba ang name sa Facebook profile at iba rin ang name na binigay para sa payment, magtaka at matakot ka sa ka-transact mo.
May friends ba? Yung ibang sellers, private ang accounts; meaning hindi naka display publicly ang mga friends or photos nila which is okay for their security rin naman. Pero kung sakaling naka public ang friend's list, check mo kung ilan. Kung kakaunti ang friends at wala pa halos kamaganak sa friends list (same surnames), diba't nakakapagtaka?
May interaction ba sa public posts? Check mo comments. Pag ang comments, mula sa mga Facebook users na mula sa ibang bansa (obviously mga dummy accounts din), then the account may not be real, more likely dummy lang din.
2. Do some researching.
Facebook has this search feature similar to Google kung saan pag tinatype mo sa search bar yung pangalan, either yung Facebook name nya or yung name na binigay nya sayo for payment, lalabas yung mga public posts na mentioned or tagged ang taong yun. So kung may na-scam na before yung seller, most probably, naka-post publicly yun sa groups or sa personal Facebook nung na-scam.
May ibang pages din or groups kung saan naka-post yung mga online scammers na na-encounter nila. For the list of pages or groups, click here.
3. Humbly ask for proof of transaction & affiliations.
Kung wala ka ma-search tungkol sa seller, you can directly ask the seller for her or his proof of transactions. Pero ask nicely para di din naman sila ma-offend.
Kung sa business page mo sila ka-transact, check mo lang kung may "reviews" section sya or "feedback" / "proof of legitimacy" albums. Dun usually nilalagay ng sellers ang mga successful transactions nila. Minsan kahit personal Facebook account ng seller, meron ng mga ito.
Tanungin mo din kung kasali sya sa isang certain selling group na makakatulong i-prove ang legitimacy nya. Meron groups, tulad ng Preloved Clothes Manila or Verified Sellers Philippines, na may verification process para ma-confirm ang identity ng mga sellers nila. Para kung sakali mang scam ang seller, madali sila mairereklamo sa mga pulis at maipapatawag sa korte.
4. Request a legit check.
It can be within the groups kung saan sya active na nagbebenta at kung saan member ka din or kahit sa mismong wall ng Facebook nya. Kailangan lang may mag testify ng legitimacy nya para ma-convince ka. Screen shot the comments para you know the people who claimed the seller is legit. So in case the seller scams you, kilala mo sino babalikan mo.
For those who doesn't know a legit check post, ito yung may screen shot ng Facebook profile ng seller. Tapos indicated sa caption yung name nya for payment & the request to ask for feedback sa mga taong naka-transact na sya. Make sure to check the authenticity of the profiles who left comments too. Make sure mo din na hindi dummy accounts lang.
5. When still in doubt, don't push it.
We're sure na narinig nyo na ang kasabihan na ito:
Trust your instincts. It's usually right.
If you're gut feel tells you something is wrong, baka nga meron. Kalimitan ng mga nasca-scam online can say that they felt it already; medyo naramdaman na nila na scammer pero still chose to trust. There's nothing wrong naman giving chances to people to prove they are worth the trust but... there's also nothing wrong with trusting your gut.
Ilan lang ito sa mga tips kung paano mo mache-check on your own ang legitimacy ng isang online seller. We will keep updating this post once may bago kaming tips na matuklasan based on experience and based on the suggestions of other people.
Kung may alam ka pang ibang way para ma-check ng isang buyer kung legit ang seller na ka-transact nya, share it in the comment box below.
Share this post para makarating sa iba mong friends na addicted sa online shopping lalo na sa Facebook. Para di sila madaling mabiktima ng mga scammers.
- - -
Ilan lang ito sa mga tips kung paano mo mache-check on your own ang legitimacy ng isang online seller. We will keep updating this post once may bago kaming tips na matuklasan based on experience and based on the suggestions of other people.
Kung may alam ka pang ibang way para ma-check ng isang buyer kung legit ang seller na ka-transact nya, share it in the comment box below.
Share this post para makarating sa iba mong friends na addicted sa online shopping lalo na sa Facebook. Para di sila madaling mabiktima ng mga scammers.
- - -
Credits to @rawpixel on Unsplash for the photo.